BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Thursday, September 22, 2011

 ayy ayyyy ang kulit lang....hehe

Wednesday, September 21, 2011

Someday - Crazy Little Thing Called Love OST

flame of recca theme song

parang bata lang ahh:p

Stephen Speaks Out of My League Video clip by me

mga sugat ng kahapon



Mga Sugat ng Kahapon
Sa isang probinsiya may mag ina na nakatira sa isang tahanan si Aling Vangie at ang kanyang anak na si Eliza nakatira sila sa isang tahanan,simpleng bahay lamang kung ilalarawan ,kahoy na dingding bubong na gawa sa kugon.sa hardin nila ay may mga tanim na gulay, talbos ng kamote,malunggay at iba pa na maaari nilang pantawid gutom ,may alaga din din silang aso at manok , simpleng mga kagamitan ang makikita sa loob ng kanilang tahanan , salat man sa yaman at material na bagay ang mahalaga ay pagmamahal nila sa isa’t isa, nagtutulungan para mabuhay. Aling Vangie ay tumatanggap ng labada sa mga kapitbahay, nagtitinda din siya ng kalamay at kung ano-ano pa para matugunan ang kanilang panganagilangan sa araw-araw at matustusan ang pagaaral ng kanyang anak na si Eliza.sinisikap niyang magtrabaho para makapagtapos ng pagaaral ng kanyang pinakamamahal na anak sapag yun lamang ang tangi niyang maipapamana niya sapagkat sila ay mahirap lamang. Si Eliza ay labing limang taong gulang,siya ay nasa ika-tatlong taon na ng hayskul at sa awa ng maykapal ay malapit ng makpagtapos ng pagaaral. Anak ni Aling Vangie sa Eliza sa pagkadalaga noong siay ay pinagsamantalahan noong siya ay labing walong taong gulang pa lamang siya. Minsan naisi niya na ipalaglag ang bata sa kanyang sinapupunan dahil magiging sagabal ito sa kanyang mga pangarap at mithiin sa buhay ngunit hindi niya kayang atimin ng kanyang konsensiya na kumitil ng buhay ng isang angel,anghel na bigay ng my may kapal. Itinuloy na lamang niya ang pagbubuntis nag simula ng bong buhai at bubuo ng pangarap kasama ang kanyang sisilanging anak ang kanyang pinakamamahal na anak at ngayon ay unti-unti na niyang kinakalimutan ang masamang kaganapan na nangyari sa kanyang buhay .minahal niya ang bata ng buong puso,ibinigay niya ang lahat ng atensyon sa kanyang anak isang gabi habang si aling Vangie ay naghahanda ng hapunan si Eliza ay nagtanong .
Inay may itatanong ako sayo” . ani ni Eliza
Ano yun anak?”
Na saan po si inay?”
Ha? Ang tatay mo?”...ano…ahm ala na siya eh…
Anong wala na po?” ani ni Eliza
Wala na siya ….matagal na siyang patay .
Kelan po siya namatay ? bakit po siya namatay? ano pong itsura niya? Mabait po ba siya ?” sunod-sunod na tanong ni Eliza sa kanyang ina.
Hay naku ang dami mong tanong kumain nalang tayo…saad ni Aling Vangie
Si inay naman ayaw pang magkuwento tungkol kay itay.. Habol ni Eliza
Tayo nang kamain ….ani ni Aling Vangie
Wow! Ang sarap ng ulam tinapa…
Oo naman alam kung paboroto mu yan anak..
Ngunit habang kumakain malalim ang iniisip ni Aling Vangie iniisip niya kung nasaan nga ba ang ama ng ama ng kanyang anak,ang taong nagsamantala sa kanyang noon mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata, gusto na niyang kalimutan ang mga naganp sa nakaran ang nasa isip niya nagayon ay ang kanyang anak at ang kinabukasan na maibibigay niya para dito.

Inay tapos na po akong kumain” …ani ni Eliza
Sige pumasok kana sa silid at gumawa kana ng leksyon mo.
Sige po inay pagkatapos ko pong gumawa ng leksyon kuwentuhan ninyo ako tungkol kay itay ah
Hindi ba sinabi ko na matagal ng patay ang iyong itay”.
Magkuwento lang naman po kayo tungkol sa kanya,kung mabait siya?,kamukha ko ba siya? May litrato kaba niya inay?
Wala anak..(at kahit anong mangyari hindi ko maaatim na magtago ng litrato ang ama mo)bulong niya sa sarili.
Habang naghuhugas ng kanilang pinagkainan inisip niya na darating din ang panahon na malalaman din ng kanyang anak ang totoo sa kabila ng lahat ng pagtatagong gawin niya. Ika ng “Walang sikretong di mabubunyag” iniisip niya na malalaman din ng lahat ang tungkol kanyang lihim na noon ay sukdulan siyang hindi lumabas ng tahanan nila noon sa loob ng siyam na buwan na padadalang tao. Nang araw na iyon na siya ay nagsilang ng sangol nagkataon na may dumaang matanda at narinig ang pagpalahaw ng iyak ng sanggol si Aling Sebia na nagusisa pa kung anong meron sa bahy ni nila Aling Martha at bakit may iyak ng sanggol siyang naririnig.
Wala namang anak na sanggol sa Aling Martha ngunit bakit may iyak ng sanggol sa kanilang tahanan?di kaya nagampon sila?”
May gana pa siyang magampon wala na nga silang makain”…wika ni Aling Sebia
Martha! Martha!”...ani ni Aling Sebia.
Ngunit hili na para isara ang bintanang bukas sa likd bahay, nakita na ni Aling Sebia si Aling Martha dala ang bata.
Sino ang batang yan?!’’…tanong ni Aling Sebia
Muntik nag mabitawan ni Aling Martha ang sanggol sa pagkabigla dahil sa boses na narinig niya mula sa bintana.
Napalipat ng tingin si Aling Sebia sa anak ni Martha na si Vangie nasa katre ito,nakahiga,pawis na pawis at walang malay. Sa tabi ng katre ay may isang planggana ng tubig pula na ang kulay nito. Sa ibabang bahagi ng kinahihigaan ni Vangie ay mga telang ginamit sa panganganak na may bahid ng dugo. Hindi na nakasagot sa Aing Martha sa tanong ni Aling Sebia marahil ay sa pagkabigla.
Nagsilang siya?.”
“Nanganak si Vangie?” Sinong ama?”
Hindi bat walang kasintahan ang iyong anak?” .” Paano siya magdadalang tao?.”
Dahang dahang binaba ni Martha ang sanggol sa tabi ni Vangie para lapitan si Aling Sebia na ngayon ay halatang bigla pa din sa pangyayaring nasaksihan. Makikita sa kamay ni Aling Martha sariwa pa ang dugo sa kamay nito dahil kakapaank pa lamang niya sa sariling anak. Nanginginig ang mga kamay nito at nauutal pang nagsasalita.
Sino ang ama ng sanggol na iyan?..tanong ni Aling Sebia
Nabuo amg batang yan dahil sa pananamantala sa kahinaan ng anak ko.sinira nila ang buhay ng anak ko”.
Sino ang ama? Tanong ni Aling Sebia
Hindi ko alam ngunit ang sabi ni Vangie si Julian ang nanggahasa sa kanya
Kelan nangyari?. Saan nagyari?
Nagyari yun noong. . . . . . .
Inay… inay . . . ani ni Vangie nasaan ang anak ko?.
Nagising na mula sa pagkawala ng malay si Vangie pawis na pawis ito habang hinahaplos ang pisngi ng sanggol na kasalukuyang tahimik na nahihimbing.
Wag na sanang may makaalam pa nito bukod sayo Sebia… wika ni Aling Martha
Ngunit hindi ninyo maitatago ang pangyayari ng habang buhay s lahat ng tao darating ang panahon na kinakailangan din na malaman ng batang iyan ang kung sino ang siya at kung sino ang kanyang ama hindi panghabang buhay na itatago ninyo at ililihim ang tunay niyang pagkatao kailangan ninyo ring ipaalam sa kanyang ama ang tungkol dito.
Hindi!… hindi! Niya maaring malaman …pasigaw na tutul ni Vangie na kahit nanghihina ay napabangon sa labis na pagnanais na tutulan ang narinig na mungkahi ni Aling Sebia .
Ngunit kailangan mo ng kagapay upang mabuhay ang sanggol na iyan Vangie salat kau sa buhay na magina.isang kahig isang tuka kayo,si Julian makakatulong siya sa inyo iyon ng malaki masasabing may kaya sila sa buhay sapagkat nasa maymila ang kanyang ama
Anak mabuti pa siguro ipaalam na natin kay Julian ang tungkol dito,hindi natin kayang buhayin ang batang yan alam mo naman ang kalagayan natin,mahirap lamang tayo.
Umiling iling lamang si Vangie habang lumuluha.
Hindi! Bubuhayin ko ang anak ko,hindi ako papaya na malaman no Julian anh tungkol dito …wika ni Vangie
Paano mo bubuhayin ang anak mo e hanggang hayskul lamang ang na tapos mo
Maghahanap ako ng trabaho kahit labandera lamang,magtitinda ako basta ako ang bubuhay sa anak ko, itataguyod ko siya kahit wala siyang kilalaning ama”.
Magsisipag ako para sa kanya. Pag nalaman ni Julian ang tungkol ang tungkol dito maaring kunin niyaang bata at ilayo sa akin hindi ako papayag na mangyari yun.baka nga ngayon hindi niya alam na may anak na siya, ngunit mas maganda na iyon kaysa malaman pa niya.”
Aling Sebia wag nio pong ipaaalam sa kanya ang tungkol sa bagay na ito,parang awa nio nap o lalo lamang gugulo ang sitwasyon pagnalaman nila.”
Kung maari po sana sa’atin sa’atin muna po nila inay. . .Saad ni Aling Sebia
Ikaw ang bahala Vangie pagisipan mong mabuti sana tama ang disisyon mo.”
Tanging tango lamang ang naisagot ni Vangie kay Aling Sebia. Nagkibit balikat lamang si Aling Martha at Aling Sebia sa mga pahayag ni Vangie.

Silent Sanctuary - "Hiling" (HD)

JRA - By Chance (You & I) Cover

you and i girl version  :)